Ang Dapat Mabatid ng mga Kabataan

 

ITONG mga kabataan, na nagbago na mula noong unang panahon ng ating tunay na mga kababayan, noong hindi pa dumadating sa ating lupaing ito ang mga kompyuter at cellphone, ay nakikta na naglalaro sa kalye at kwekwentuhan. Kasundo niya ang mga kapitbahay at lalung-lalo na ang mga kalarong bata, sila ay masaya at naglalaro ng patintero at luksong baka, malabis ang pagkasiya ng lahat ng naglalaro, kayat dahil dito’y masaya ang mukha ng lahat. Bata’t matanda at sampung mga babae ay natutuwa pagmasdan at hayaang talagang laruin ang ating mga larong Pilipino.

Dumating ang modernong teknolohiya at naging mas interesadona tayo dito. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan, at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghikayat sa atin. Gayon man, tayo’y napailalim sa taal ng kanilang mga malakas na impluwensya at pinapagtibay ang kanilang impluwensya sa pamamagitan ng pagdating ng mga kompyuter na kukumuha ng atensyon sa ating mga buhay, at lalong lumaon at  naging alipin na tayo ng modernisasyon, tanda ng tunay at lubos na paghiwatig sa pagiwan sa ating mga Pilipinong laro. Ito’y siyang tinatawag na pagbabago ng mga kabataan dahil sa modernisasyong dulot ng mga taga ibang bansa.

Buhat nang ito’y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong milyong mahigit na kabataan ay ating gustong magtamasa ng lubos na kasaganaan; ating pinag-aaral at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan. Ginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng buhay sa pagtatanggol sa kanila; kinakahamok natin sampu ng tunay na mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila ay maapi, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga tao na nagbalak na umagaw sa kanila nitong karanasang maging masaya.

Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa ng lubos na modernisasyon ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating paggugugol? Wala kundi pawang paglimot sa ating mga nakagawian ang ganti sa ating mga pagpapala. At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo ay lalong gigisingin sa kagalingan? Bagkus tayo’y binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan. Iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan.

At kung tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na pangunawa, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y malayo ng loob sa ating minamahal na mga kapatid, anak at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng malahayop na kabangisan.

Ngayon, wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan. Ngayon, lagi nang ginagambala ang ating
nakagawian ugali  ng paglalaro sa kompyuter, pakikinig sa ipod, paglalaro sa cellphone, at iba pang modernong kagamitan ng mga kababayang ipinanganyaya  ng mga manlulupig na moderrnisasyon.

Ngayon, tayo’y malulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa napalayo na loob ng anak sa labis na pagkokompyuter, na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tingga na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam. Ngayon, lalo’t lalo tayong nabibilibiran ng tanikalang nakalalait sa bawat taong may iniingatang kapurihan.

Ano ang nararapat nating gawin?

Ang araw ng katwiran na sumisikat sa Silanganan ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya’y tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga nakalimutang nakalipas na mga tradisyon at ugali ay ating balikan at huwag limutin.

Itinuturo sa atin na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo’t lalong kahirapan, lalo’t lalong kataksilan, lalo’t lalong kaalipustaan, at lalo’t lalong kaalipinan.

Itinuturo sa atin na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari.

Itinuturo sa atin na tayo’y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.

Itinuturo sa atin na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo’y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing masamang pagbabago sa ating Bayan.

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan.

Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling tradisyon, may puri, may hiya at pagmamahal sa magulang.

Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Panahon na ngayong dapat makilala ng mga kabataan ang nakagawian ng kanilang mgamga magulang. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa atin ay inuumang ng mga kaaway.

Kaya, O mga kabataan! Ating idilat ang nabulag na kaisipan, at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa minimithing kaginhawahan ng bayang tinubuan.

 

 

 

Mag-iwan ng puna